Kaibigan lang kita,
ngunit iba ang nadarama
parang may naiibang
pagtibok sa puso ko sinta
Alam kong kaibigan din
ang pagtingin mo sa akin
kaya naman gulong-gulo
ang isipan at damdamin
At sa bawat araw na
kasama ka’y nabubuo
Ang mga pangarap ko para
sa atin giliw ko
Hanggang sa isang araw
nasabi ng kaibigan mo
na ako pala ay iniibig rin
ng iyong puso
Pre-Chorus:
Ngunit isang araw, nakatanggap ako ng sulat
Galing sa’yo kaya daliang binuklat
Ako’y na shock, at biglang natulala
Pagkat aalis ka na at di na makikita pa
CHORUS:
Kaibigan ko bestfriend ba’t aalis ka pa
I love you very much sumpa ko man mahal kita
Kung pwede lang sana ay ‘wag ka nang lumisan pa
upang maramdaman ligaya ng ‘yong pagsinta
Kaya tinawagan ka
Upang sayo’y masabi na
Ang laman ng puso kong
tanging para sa’yo sinta
At ang sabi ng katulong nyo
ay umalis ka na
at doon na mag-aaral
sa bansang America.
Oh, anong sakit naman
ang idinulot mo hirang
kung kelan umibig
ay dun pa ako masasaktan
Parang ayaw ko nang
umibig pa ng ganito
Sa unang babae
ay dun pa ako mabibigo












Leave a Reply